Kidnappers, Muling Sumalakay sa Basilan

MULING SUMALAKAY ANG mga kidnapper sa Basilan nang dukutin kahapon ang isang 59-anyos na sari-sari store owner sa liblib na barangay sa Ungkaya Pukan.

Nanawagan naman si Basilan Governor Jum Akbar sa kanyang kababayan na tulungan silang marekober ang biktimang si Rose Baranda na dinukot ng sampung armadong kalalakihan habang patungo ito sa Tumajubong proper sa Sumisip mula sa Lamitan.

Samantala, nakilala naman ang apat sa sampung dumukot na sina Commander Hud Limaya, Abdurasan Limaya, Sapata Limaya at Nurhassan Limaya na pinaniniwalaang mga tauhan ni Puruji Indama, ang kasalukuyang notoryus na lider ng Abu Sayyaf Group na nakabase sa Basilan na responsable sa mga nagaganap na pagdukot.

Sa report na nakarating sa Kampo Crame, sakay ang biktima sa pampasaherong jeep nang parahin ng mga suspek sa pamumuno ng isang Nur Hassan Jamiri, kung saan ibinunyag ni Jojong Baranda, anak ng biktima, na nakatanggap na sila ng hinihinging ransom subali’t tumanggi itong sabihin kung magkano.

Tiniyak naman ng gobernador sa pamilya Baranda sa pamamagitan ng Crisis Management Committee, na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maibalik nang ligtas ang biktima.|

(Z. TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.