Kidnapper ng mga paslit, nadakip

SWAK SA KULUNGAN ang isang kidnapper matapos madaanan ng mga pulis habang akay ang dalawang bata na umiiyak sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Armando Herrera, 34 ng Sta. Monica, Balubaran, Valenzuela City.

Sa ulat, alas-10 ng umaga nang madaanan ang suspek sa Crisina st., Panghulo ng lungsod habang akay ang isang totoy na edad 9 at isang nene na may edad 13.

Umiiyak ang dalawang bata na naging dahilan upang lapitan ng mga pulis.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang magsalita ang mga bata na hindi nila kilala si Herrera na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Sampung bata pa ang nagpunta sa presinto at positibong itinuro ang suspek na siyang nagtangkang tumangay sa mga ito sa magkakawihalay na pagkakataon.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung may kinalaman ang suspek sa kumakalat na balitang dinudukot ang mga bata sa Valenzuela City at pagkatapos ay kinukuha ang organ ng mga ito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.