Kidnap Victim na Pamangkin ng Scammer sa CDO, Pinalaya na

MATAPOS ANG 14 na araw na pagkakabihag, pinalaya na rin ng kanyang mga abductor ang pamangkin ng isang umano’y scammer sa Cagayan de Oro City na si Pau Rasuman.

Kinumpirma ito ni Police Superintendent Emmanuel Hebron, hepe ng Task Force Pau.

Samantala, tikom pa rin aniya ang pamilya ng biktima sa pagpapalaya kay Pau at inaalam pa rin kung may ransom na ibinayad ang mga ito.

Maaalala na dinukot ng mga armadong kalalakihan si Rasuman noong Agosto 14.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na posibleng may kinalaman sa sinasabing pyramid scam ng tiyuhin ng biktima ang pagkakadukot sa kanya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.