Kian Kazemi, deadma na kay Cristine Reyes – Eddie Littlefield

AS MUCH AS possible ay ayaw na sana ni Kian Kazemi pag-usapan pa si Cristine Reyes. Naintriga kasi siya nang padalhan niya ang dalaga ng two dozen of white roses at pizza. Binigyang-kulay ng media ang pakikipagkabigan niya sa magandang actress kaya minabuti na lang ni Kian na manahimik na lang.

Kahit ganu’n ang nangyari ay hindi nagtanim ng sama ng loob si Kian sa sexy actress. Ngayon niya lubos na nauunawaan si Cristine kung bakit ganu’n na lang ang pakikitungo sa kanya noon.

That time kasi, patuloy pa rin pala ang relasyon nina Cristine at Dennis Trillo (kailan lang inamin ni Cristine na nag-split na sila ni Dennis) kaya natural lang daw na umiwas ito sa mga lalaki. Kilala si Dennis sa pagiging posessive,  ayaw ni Eva Fonda makitaan siya ng butas  ng kanyang ex-boyfriend. Kilala namin si Cristine, mabait, mahusay makisama, tunay makipagkaibigan at totoo kung magmahal sa taong mahal niya.

[ad#post-ad-box]

Sa ngayon, abala si Kian sa family business nilang Persia Grill Restaurant na may apat na branches ( Salcedo, Makati, Glorietta 5, Mega Mall at  sa Sky Garden, SM North, EDSA ) all over Metro Manila. Kapag hindi rin lang busy ang actor/ businessman sa kanyang showbiz schedule ay personal mo siyang makikita  na nag-e-entertain ng mga customer sa kanilang restaurant. Bawat miyembro ng pamilya may kanya-kanyang trabaho. “Kung saan magaling ‘yung family member du’n siya inilalagay. Ako, all around, ako ang in-charge kapag wala ang Dad ko. Maganda naman ang takbo ng business, pahinga muna kami sa apat na branches. Mahirap patakbuhin kasi kami lang ng family ko ang nagpapatakbo nito. Maybe next year hopefully,  baka manganak uli ang Persia Grill namin,” pagmamalaking sabi ni Kian.

Sa totoo lang, napakaganda ng ambience, class pero affordable, masarap ang food at reasonable ang prize. “We are hoping na sana’y mag-click kami, ‘yung dessert namin something special and even the juice drink is something unique, you’re gonna love it. Kami mismo ang nag-aasikaso sa mga guest na kumakain sa amin. Binibigyan namin sila ng VIP treatment para ma-feel nila they are important  and always welcome,”  dugtong pa ni Kian.

Katatapos lang gawin ni Kian ang indie film na Fling, a romantic comedy with Rafael Roselle.  Nasa cast rin siya ng Habang May Buhay ni Judy Ann Santos at  regular natin siyang napapanood sa Trip Na Trip.

“Naka-schedule nga akong pumunta sa South Korea, ‘yung ibang kasama ko sa show ay sa ibang bansa naman sila natoka around Asia. May kanya-kanyang concept and  theme ang bawat grupo. Ipapakita namin ‘yung other side of Korea na puwedeng pasyalan ng mga turista, bale 5 days kami du’n,” excited na kuwento ni Kian.

Willing ba naman si Kian to do sexy role ? “Oo naman, wala namang masama in doing sexy roles, character lang naman ‘yung ginagampanan mo. Rumampa na rin ako naka-bikini trunk sa bench show sa Araneta. Ang importante,  challenging ‘yung role na gagampanan mo,  makatutulong sa pelikula at sa career mo. Siyempre, malaking factor kung sino ang director, sino‘yung nasa cast at kung sino ang makaka-love scene mo. Kailangang maging maingat din naman tayo sa pagtanggap ng project dahil may business akong dapat protektahan, paliwanag niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Kian Kazemi, deadma na kay Cristine Reyes – Eddie Littlefield

  1. im sure libre sa tsibog ang writer na ‘to sa restaurant ni Kian. at please walang ka arrive arrive si Kian, no place in showbiz kaya magpaka busy ka na lang sa resto mo at patulan mo ulit si Mr. IT (daw) baka sakaling magka future ka………….

  2. may nakaraan kmi ng guy na ito. masarap sya at gusto nyang bottom sya.

    first experience ko sya sa gym ng isang hotel sa makati. we always hit it every week hanggang pumasok na sya sa bahay ni kuya. no communication now..

    hunting kita sa persia grill mo. hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.