Kevin Santos, pinagdududahan ang pagkalalaki!

AMINADO ANG Starstruck Batch 2 alumnus na si Kevin Santos na malaki ang naging pagbabago sa kanyang career nang makasama siya sa My Husband’s Lover. Dahil nga raw sa kasikatan ng kanilang show, mas lalo raw siyang nakilala na ‘di nangyari sa kanyang mga naunang show.

Pero dahil sa mahusay ang pagkakaganap mo bilang gay sa My Husband’s Lover, walang instances na may nagtatanong sa ;yo kung totoo kang gay?

“Actually may nangyayaring ganyan, ‘yung iba sa Twitter, kada lumalabas ako sa My Husband’s Lover, may nagtatanong sa akin na straight ka ba talaga o straight gay? Hahaha! Sinasagot ko naman sila na sa role lang ‘yan, pero in real life, lalaki po ako, lalaking-lalaki.Hahaha!”

Maraming pumupuri sa acting mo at nadadala at nag-iisip na baka nga daw bading ka na. Ano ang masasabi mo?

“Natutuwa ako, kasi pinag-iisipan nila ako nang ganu’n, ibig sabihin nagustuhan nila ‘yung ginawa ko. Iba kasi ‘pag naa-appreciate ng mga manonood ‘yung acting mo, mas masarap na magtrabho nang magtrabaho. Kaya thankful ako kay Direk Dominc Zapata kasi lagi niya ako sinasabihan kung anong dapat kong gawin. Sinasabi niya sa akin kung ganito ‘yung atake du’n sa eksena at sa workshop din, natuto ako. So, lagi nilang sinasabi sa akin sa Twitter na effortless. ‘Pag nababasa ko ‘yun, napapangiti ko. Ang sarap sa feelings, kasi alam kong maraming natutuwa sa ginagawa ko. And ako naman kasi, kahit  may mag-question sa gender ko, I know myself at kilala ako ng mga kaibigan at pamilya ko na lalaking-lalaki ako.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Kevin Santos, pinagdududahan ang pagkalalaki!

Leave a Reply

Your email address will not be published.