Larawan sa Canvas: Kering-Kering Kiray: Artistry and Colors

ITINUTURING KO ITONG ‘my only daughter’ sa facebook. Ha-ha-ha! ‘Naks, dalaga ka na, ha?!’ At lagi kaming nagbibiruan.  Ihagod natin ang brush at pintura sa aking canvas at nang malaman natin ang kulay ng kanyang estilo sa buhay. Matangkad ka ngayon? “Naka-heels kasi, eh, he-he…”

Alam ba ninyong thirteen years old na si Kiray at siya’y nakabantay upang makita niya ang kanyang boyfriend na si Sam Milby. Pero mamaya pasadahan natin.

COMEDY AND REVELATIONS.

Naalala ko siyang umiyak nu’ng sumali sa contest. “Ay hindi! Ako ‘yong magaling kumanta noong bata pero umiyak ako noong pinaka-grand finals kasi nagugutom na ako. He-he-he!”

Ayon sa kanya, tinawag siyang Kiray kasi Tiray ‘yung pangalan ng may-ari ng bahay na inuupahan nila nu’ng 3 years old pa lang siya. “Kasi noong sumali ako sa Munting Miss U, sumali ako roon para meron kaming pambayad na pang-upa sa bahay. Iyon, kaya naging Kiray, kasi Kikay rin naman daw ako noong maliit ako.”

Kikay, ah, Kiray, nanalo ka ba noon? “Hindi po, fourth place, kasi ako nga iyong pinakagutom at pinakagalit.”

Komikera ah, kaya kinuha sa TV. “Ginagawa ko na nga ‘yung best ko natatawa pa sila sa akin. Kasi daw iyong facial expressions ko nakakatawa pa rin. Hi-hi-hi!”

FIGHTHING.

“’Yun! Ide-develop ko ‘yun. ‘Yung pa-sexy-sexy rin, ganu’n.”

Wow, ha?! Kitam… lakas-loob, ah! “Sa Goin’ Bulilit, ako iyong inaasar. Ngayon, ako na lang lagi iyong kontrabida.”

Ayon sa kanya, hindi masyado siyang nakaipon at wala pa siyang sariling bahay kasi siya ang ‘bread winner’ at nagpapa-aral sa kanyang mga kapatid at kahit paano nakapundar  na siya ng sasakyan galing sa mga shooting na nakuha naman niya sa commercial ng Nestle Bear Brand Choco.

LIFESTYLE & LOVELIFE.

Paggising mo sa umaga, ano ‘yung una mong ginagawa? “Facebook! Hehehe.”

Naghahanap ka lang ng mga crush, ‘no?! @#*+ Kaboom!!! “Naku hindi, ah! Ang mga type ko iyong mga Koreano. Iyong tipong BOF (Boys over Flowers) tulad nina Kim Hyun Joong. Pero isa lang ang type ko rito.”

Sino ‘yung boyfriend mo, huh? “Sam Milby! Ha-ha-ha-ha!”

Hagalpak ng tawa. “Dati si Sam noong nag-PBB (Pinoy Big Brother) siya, dream ko lang siya. Ngayon super-close na kami. Kung nagkikita pa kami, siya pa ang tatakbo sa akin.”

Ano kayo? ‘Di super-close nga niya, ha-ha! “Tapos hina-hug niya kung sino iyong kasama ko. Tapos nag-a-‘I love you’ pa iyon sa akin. Saka marami kaming mutual friends.”

Whoah! Kainggit naman si Kiray. Kaya! Boyfriend nga niya tama? Kaibigan na lalaki ba ‘yun? Ha-ha-ha! “Kasi friendly ako,” dagdag ni Kiray.  Oo nga, bakit ba? Si Eugene nga eh, malay mo. He-he-he!

CONFIDENCE AND MATURITY.

Kulitin ko nga muli. ‘Di ba kasi baby ka pa? “Pero sa outfit ko today hindi na ako baby. Kasi hindi ako more on bine-baby, kasi dalaga na raw ako.”

Si Ai-Ai, si Eugene doon sa Kimmydora, I believe sa comedy isang araw pinapangarap mo ikaw na ang susunod sana? “Basta ako confident ako sa sarili ko, at maganda ako. ‘Yun lang. Ha-ha-ha-ha!

FANTASY and DREAMS.

Tinukoy niya ang Kimidora, “Ang pinakahindi ko makakalimutan doon ‘yong dialogue na “I’m just a girl, floating in front of a boy, asking him to love her.”

Wow sosyal! “Tapos hinalikan niya pa si Dingdong! Akala ko nga hindi niya tutuluyan hanggang katapusan. Iyong mata ko parang ano, hahalikan kaya? Saka feeling ko para na rin siyang si Marian. Saka maganda naman si Tita Eugene kaysa kay Marian.”

Uiy?! Well, recommended ko itong si Kiray, bigyan lang ng tamang break.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Related Post

loading...

One thought on “Larawan sa Canvas: Kering-Kering Kiray: Artistry and Colors

Leave a Reply

Your email address will not be published.