Ken Chan, ipinalit kay Martin del Rosario sa bagong serye

Ken-ChanPINALITAN NA ni Ken Chan si Martin del Rosario para sa lead role ng bagong serye ng GMA 7 na Destiny Rose na ang istorya ay iikot sa isang transgender. Hindi na kasi inalis si Martin sa Buena Familia dahil maganda ang feedback ng pagkakasama niya roon.

Nag-alinlangan daw ang Kapuso Network na hugutin si Martin sa soap dahil baka maapektuhan ang programa. Ang ginawa na lang ay nagpa-audition na lang sila sa gaganap na bida at tumugma naman sa hinahanap na peg ang hitsura ni Ken Chan.

Nag-audition din daw sa role sina Enzo Pineda at Mike Tan, pero dahil sa maskulado ang katawan ng dalawa ay hindi sila napili.

Nakarating pa sa amin na kinarir daw talaga ni Ken ang gay character niya dahil pinakikiusapan daw nito ang mga kaibigan na tawagin siyang Destiny Rose.

Kapag naririnig na raw ni Ken ang tawag sa kanya ay aakting na itong parang tunay na babae. Naloka nga raw ang buong staff ng production sa ipinakikitang husay sa pag-arte ni Ken. Hindi raw isang gay ang namalas nila kundi parang tunay na babae raw ang tumambad sa kanila.

Sa ipinakitang galing umarteng ni Ken ay baka muling maungkat ang gender isyung ipinupukol sa kanya noon.

Anyway, magiging maingat daw ang nasa likod ng Destiny Rose para hindi sila masilipan ng MTRCB.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.