Kelot, Wakwak sa Samurai; 1 pa Sugatan

KRITIKAL ANG kondisyon ng isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos tagain ng samurai sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Lerdie Ignacio ng Pasig City Police, nag-iinuman kamakalawa ng gabi sina Ronald Bopos at Jason Galanido sa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Dahil umano sa ingay ng mga nag-iinuman, nagkabatuhan sa lugar na kalauna’y nauwi sa tagaan.

Itinuturong salarin ang magbayaw na sina Jing Hermocilla at Sixto Dorado na kapitbahay ng mga biktima.

Nawakwak ang tagiliran ni Bopos habang sa palad naman napuruhan si Galanido nang tangkain nitong salagin ang pananaga ng salarin.

May matagal na umanong alitan sina Bopos at Dorado. Ipinakulong umano ng suspek ang tiyuhin ng biktima matapos hagisan ng teargas ang anak ni Dorado.

Kalaboso naman ang mga suspek na nagtuturuan ngayon kung sino ang nanaga.

Samantala, narekober din ang higit isang metrong samurai na ginamit ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.