Kelot utas sa killer Van

HINDI NA naisalba ang buhay ng isang binata makaraang masawi nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa delivery van sa Barangay San Benito Norte, Aringay, La Union.

Naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling araw, kahapon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Christopher Quiñones, 22-anyos, driver ng motorsiklo; at backride nitong si Nelson Ogoc, parehong residente ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Samantala, na-

kilala naman ang driver ng van na si Noliver Dangpil, 27, binata, at residente ng Barangay Sapangan, Sinait, Ilocos Sur.

Batay sa report, nag-overtake ang motorsiklo na naging dahilan ng pagbangga nito sa nakasalubong na van.

Resulta nito, nagtamo ng matinding sugat ang dalawang biktima partikular sa ulo na naging dahilan ng agaran nilang pagkamatay.

Napag-alaman din na hindi nakasuot ng helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.