Kelot, Utas Bar Trip

PATAY ANG isang lalaki matapos makursunadahang bugbugin at saksakin ng grupo ng mga lasenggero sa isang videoke house sa kasagsagan ng pagdiriwang ng fiesta ng Barangay Curuan, Zamobanga City.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Perez, 40, residente ng naturang lugar.

Base sa report, bumibili lamang ang biktima sa tindahan kung saan nag-iinuman at nagkakantahan ang mga lasing na suspek nang pagtripan siya ng mga suspek.

Una umanong binugbog ng mga lalaki ang nasawi at nang hindi pa makuntento, isa sa kanila ang kumuha ng patalim at sinaksak ito ng ilang beses.

Pagkatapos ng krimen, kaagad tumakas ang mga salarin at iniwang nakabulagta ang biktima.

Gayunman, ilang oras matapos ang insidente, sumuko sa pulis ang dalawa sa mga suspek na na-kilalang sina Wilmer Boy De Leon at ang pinsang nito na si Levy Jay De Leon.

Depensa ng mga suspek, inaway sila ng biktima at may dala rin daw itong patalim kaya binugbog at sinasak na rin nila ito.

Subalit ayon mismo sa may-ari ng tindahan kung saan nangyari ang krimen, pinagtripan lang talaga ng mga lasenggero si Perez.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.