Kelot, Tumungga ng Lason

SINASABING LUMAKLAK ng lason ang isang kelot matapos madatnan ng ka-live-in na patay na at matigas na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay makaraang magtalo ang mag-live-in sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Dela Cruz, 24 ng Damata, Letre ng lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Vickyline, kamakalawa ay nagtalo sila ng biktima dahil hindi na nito maintindihan ang ugali ni Dela Cruz na naging dahilan upang umalis ng bahay ang una at nagpunta sa tiyahin sa Quezon City.

Alas-8 ng gabi, pag-uwi ni Vickyline ay laking gulat nang makitang matigas na ang katawan ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sinabi rin ng bebot na nagtangka na ring magpakamatay noong nakaraang buwan ang biktima subalit naagapan.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play at kung ano ang ininom ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.