Kelot, Tumalon Mula sa Gusali sa Makati; Patay

PATAY ANG isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos umanong tumalon mula sa ika-29 na palapag ng condotel building sa sa Dela Rosa Street corner Nieva Street sa Makati City bandang alas-10:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa security guard ng Asian Mansion 2 na si Robert Bernarte, nakarinig sila ng putok saka sandaling nawalan ng kuryente at pagbalik ng ilaw, nakita nilang nakabulagta na sa kalye ang biktima.

Base s pagsisiyasat ng mga awtoridad, umakyat ang lalaki sa penthouse na nasa 29th floor at tuloy-tuloy na pumasok at bigla na lamang tumalon.

Sa tindi ng impact, punutok ang kanang braso ng biktima matapos sumabit sa high tension wire na may taglay na 24,000 volts.

Samantala, wala namang nakitang anumang pagkakakilanlan sa biktima.

Sa ngayon, inaalam pa kung may foul play sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.