Kelot, Tugis sa Brutal na Pagpatay sa Kapit-Bahay

ISANG MANHUNT ope-ration ang isinasagawa ngayon ng Caloocan City Police laban sa isang lalaki na brutal na pumatay sa kanyang kapit-bahay na babae dahil lamang sa matandang alitan sa lupa sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Inspector Enrique Torres, Caloocan City Deputy SDO ang pinaghahanap na suspek na si Joven Tamaog, nasa hustong gulang at residente ng # 701 San Flower St., San Roque, Brgy. Tala ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima na brutal na pinatay ay si Celine Rebusta, 62, may-asawa, tubong Aklan at naninirahan sa katabing bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO1 Allan Budios, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police at may hawak ng kaso, bandang alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na bago u-mano maganap ang nasabing insidente, bandang alas-7:00 ng umaga, nagsiga umano ng basura si Tamaog sa gilid ng kongkretong bakod ng pamilya Rebutan na naging sanhi ng isang mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek.

Habang nagpapalitan umano ng mga masasamang salita ang una at ang huli ay naungkat pa ang matagal na panahong alitan nila sa lupa kung saan ay pinagbantaan pa ng suspek ang matandang babae na kanyang papatayin.

Dakong alas-kwatro ng hapon ng araw na iyon ay natagpuan na lamang ni Roberto Rebusta (asawa ng napatay) ang kanyang misis sa loob ng kanilang kuwarto na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte katawan, naliligo sa sariling dugo at iniwan pa ng suspek ang patalim na ginamit na nakatarak sa dibdib ng matandang babae.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.