Kelot, todas sa taga ng kaaway

BALIUAG, BULACAN – LUMABAN pa bago binawian ng buhay ang isang lalaki, makaraang tagain sa ulo, ng kanyang kaalitan gamit ang jungle Bolo sa Brgy. Poblacion kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni P/SSupt. Wendy Rosario, Officer-in-Charge ng Bulacan PNP, na-kilala ang nasawing biktima na si Mario Cruz Y Timbang, 59-anyos, habang ginagamot naman sa Castro Hospital ang suspek na si Orlando de Jesus Y Garcia, 47, sanhi ng malalim na saksak, at kapwa residente ng Brgy. Poblacion.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 George Jay SJ Cruz, dakong alas-5:15 ng hapon nang maganap ang insidente ng pananaga sa biktima.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang suspek dala ang jungle Bolo at walang sabi-sabing inundayan ng taga sa ulo si Cruz, sa hindi pa malamang kadahilanan.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang im-bestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamasalang sa biktima.

Kaugnay nito Murder ang isinampang kaso laban sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.