Kelot, Todas sa Sinabihang Nakaw ang Cellphone

PATAY ANG 36-anyos na lalaki matapos hatawin ng bote sa ulo ng kanyang kainuman makaraang pagsabihan ng una ang huli na nakaw lamang ang gamit nitong cellphone sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga palo ng bote sa ulo si Ricardo Domingo Jr., ng General T. De Leon Road, Gen. T. De Leon ng lungsod.

Kasalukuyan naman nakapiit sa detention cell ng Valenzuela Police ang suspek na si Ruperto Lopez Jr., 23 ng Area 4, Pinalagad, Malinta ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng madaling-araw, kasama ang biktima at suspek na nag-iinuman sa Sagay Compound Gen. T. De Leon ng lungsod hanggang sa maiwan ang mga una dahil bumili ng alak ang ibang kainuman.

Dito, sinabihan ng biktima ang suspek na ang mula sa nakaw ang gamit nitong cellular phone na ikinagalit ni Lopez dahilan upang paghahatawin ito ng bote.

Pagbalik ng mga bumili ay nadatnan na nagtatalo ang suspek at ang biktima hanggang sa magsalita ang una sa mga kainuman na “wala kayong narinig at nakita”.

Ilang saglit lang ang lumipas ay narinig ng mga nag-iinuman ang sigaw ng biktima na humihingi ng tulong na naging dahilan upang tignan at nakitang patay na nakahandusay sa kanal at duguan ang ulo.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ng mga pulis ang suspek kung saan inaalam na ang dahilan ng pagtatalo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.