Kelot, todas sa pinsan

PATAY ANG isang kelot ma-tapos itong pagsasaksakin ng sariling pinsan dahil sa dating alitan kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Navotas Lying-In Clinic sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mark Anthony Ochoa, 29, ng No.46 Interior F. Pascual St., Brgy. Tangos, Navotas City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Renato Ochoa, 45, may asawa, pinsan at kalugar ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas -7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Pascual Street.

Bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek hanggang sa maungkat ang dating alitan dahilan upang kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima saka tumakas.

Dinala naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.