KELOT TODAS SA PAKIKIALAM SA AWAY BABAE

Rizal – Patay ang isang lalaki matapos na pagtulungang saksakin ng asawa ng ginang na kanyang inawat at ng kumpare nito habang nakikipag-away sa kapwa babae kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang biktima na si Fabian Ribay, 37, may asawa, residente ng Sitio Bagong Purok, Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod.

Kritikal din sa pagamutan ang suspek na si Luciano Flor, na nasaksak din ng biktima nang maagaw ang patalim nito habang ang kasabwat ng suspek na si Rodion Lachica ay mabilis na tumakas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa Sitio Bagong Purok, kung saan ay umawat ang suspek sa away ng dalawang kapit-bahay na babae.

Hindi umano nagustuhan ng suspek ang pakikialam ng biktima sa away ng asawa nito at kapit-bahay kung kaya’t sa tulong ng kumpare ay sinugod ito ng saksak.

Nagawang isugod sa Antipolo District Hospital ang suspek at ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival ang huli dahil sa dami at lalim ng mga tinamong saksak.

Hinala ng pulisya, ang suspek at ang biktima ay mayroon nang matagal na alitan at muling nabuksan dahil sa pakikialam ng biktima.

Kasong Homicide ang iniha-handang kaso ng pulisya sa dalawang suspek. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.