Kelot, Todas sa Kalabang Grupo

ISANG BINATILYO ang hindi umabot ng Kapaskuhan makaraang pagtripang barilin ng isa sa tatlong kabataan ma-tapos na mag-Simbang Gabi ang biktima kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na patay na bago sumapit sa Ospital ng Tondo sanhi ng tama ng bala ng .38 caliver revolver sa kanang bahagi ng dibdib ay nakilalang si Mario Ma-

galona, 19, walang asawa at naninirahan sa 2nd Avenue, Brgy 120, ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang isa sa apat na kabataan suspek na itinago sa pangalang “Rodolfo”, 11 anyos, habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nito na na sna Louie Parado, 21; at isang alyas Jayson, 18, mga nakatira sa 3rd Ave.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang barilin at mapatay ang biktima sa 4th Avenue partikular sa harap ng isang beer garden.

Nabatid na ang biktima kasama ng ilang kaibigan ay naglalakad papauwi sa kanilang lugar galing sa Simbang Gabi.

Hinarang ng mga suspek ang grupo ng biktima at sa hindi malamang dahilan ay agad na binunot ng isa sa mga suspek ang nasabing baril at kaagad na pinutukan ang biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Ang biktima ay agarang dinala ng kanyang mga kasamahan sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hiniga ang biktimang si Magalona.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad, isa sa mga kabataang suspek na si Rodolfo ay agad na naaresto habang ang dalawa nitong kasamahan ay kasalukuyang nagtatago.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.