Kelot, Tinumba sa Harap ng Syota

PATAY ANG isang 20-anyos na binata matapos barilin ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang nobya sa may Purok Guio, Barangay San Rafael, Isabel a City lalawigan ng Basilan.

Lumalabas sa report  ng Isabela City police station, magkasamang naglalakad papunta sa isang tindahan para bumili ng prepaid load ang biktimang si Musa Anding Paharillo at ang 13-anyos niyang nobya pasado alas-8:00 kamakalawa nang barilin ng salarin.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit dineklara rin itong dead on arrival dahil sa mga grabeng tama ng bala na tinamo nito sa katawan.

Nakuha ng mga rumispondeng awtoridad sa lugar ng insidente ang ilang basyo ng bala ng M14 rifle na ginamit sa insidente.

Base umano sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kinauukulan na hindi pabor ang mga magulang ng 13-anyos dalagita sa pakikipagrelasyon nito sa pinatay na biktima na isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.