Kelot, Tinodas sa Harap ng Ka-Live-in

PINAGHAHANAP NA ng mga kinauukulan ang suspek sa pagpaslang sa isang lalaki sa Gumaca, Quezon.

Sinabi ni SPO3 Ronald Jimene na matapos saksakin at mapaslang ng salarin na si Leovino Eria, Jr. ang biktimang si Jose Silva Camacho ay agad na tumakas ang salarin kasama ang kanyang pamilya.

Nabatid na magpapastol lamang ng kalabaw ang biktima nang biglang sugurin ni Eria at inundayan ng saksak hanggang sa malagutan ng hininga.

Samantala, labis-labis naman ang pagdadalamhati ng live-in partner ni Camacho na nasaksihan ang masaklap na pangyayari.

Base sa salyasay ng kinakasama ni Camacho, may matagal nang alitan ang dalawa at nang muling magkita ay posible umanong mu-ling nanariwa ang galit ng suspek na siyang nagtulak dito upang gawin ang krimen.

Napag-alaman din na umuwi lamang sa lugar ang salarin upang takasan ang mga kinasasangkutang kaso sa ibang pang bayan sa nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.