Kelot, Tinira ng Kaibigan

KRITIKAL ANG isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kainuman sa bayan ng Bacacay, Albay.

Kinilala ang biktima na si Armando Alarcon y Bibal at residente ng Barangay Tambongon, naturang bayan.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nasa kasiyahan ang magkakaibigan sa mismong bahay ni Brgy. Kagawad Analiza dela Cruz bandang alas-3:00 ng hapon dahil kapiyestahan.

Subalit dahil sa pawang nakainom na ang lahat, bigla na lamang na nag-amok ang salarin na si Javier Batalla at pinagsasaksak ang biktima.

Agad namang nakatakas si Alarcon sa kabila ng mara-ming tama papalayo sa suspek.

Samantala, nananatili pa sa pagamutan ang biktima.

Sa ngayon, patuloy rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa motibo at sa posibleng kinaroroonan ng suspek

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.