Kelot, Tinira Habang Natutulog

PATAY AGAD ang isang 50-anyos na lalaki makaraang barilin ng isang hindi nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Benjamin Liwanag, binata, ng 180 Malvar St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, bandang ala-1 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente ng pamamaril sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na natutulog si Liwanag nang pasukin ito ng isang hindi nakikilalang suspek at agad na pinutukan ang biktima na tinamaan sa ulo at pagkatapos ay mabilis na tumakas dala dala ang ginamit na baril.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang nasabing himpilan ng pulisya ng follow-up operation upang matukoy ang may kagagawan ng pagpatay sa biktima at malaman din ang tunay na motibo ng pamamaslang.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.