Kelot, Tinako sa Mukha

PUTOK ANG nguso at masakit ang ulo ng isang lalaki matapos hampasin ng tako sa mukha ng kalugar habang ang una ay naglalaro ng bilyar sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Genaro Dela Cruz, 30, ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Alvin Pelesco, 32, at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, naglalaro ng bilyar ang biktima sa kanilang lugar nang pasukin ng suspek at walang salitang hatawin ng tako ang mukha.

Matapos ang insidente ay sumuko sa mga pulis ang suspek kung saan ina-

alam na ang dahilan ng pamamalo ng tako sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.