Kelot, tiklo sa pekeng P1,000

CAMP GEN. ALEJO Santos – Arestado ang isa sa dalawang lalaki, matapos mahuli ng mga pulis makaraang bumili ng isang PSP gamit ang mga pekeng isang libong piso sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Elvis Diaz kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Ernesto San Luis, Jr. Y Amil, 26 anyos, residente ng Baliser, Signal Village, Bicutan, Taguig City habang nakatakas naman ang kapatid nito na si Alvin Co Y Amil 28, residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, ganap na alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente. Nabatid na bumili ng PSP ang mga suspek sa biktimang si Ricardo Marcelo, Jr. Y Reyes 25, isang cellphone technician, ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Nabatid na binili ng magkapatid na suspek ang PSP ng biktima sa halagang P5,000 kung saan dali-dali nitong iniabot ang pera. Makalipas ang ilang minuto,laking gulat ng biktima nang makita nito na peke ang ibinayad sa kanya. Agad itong humingi ng tulong sa mga barangay tanod, dahilan upang madakip ang suspek kung saan nabawi rin ang set ng PSP.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Bocaue Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.