Kelot, Tiklo sa Panggagahasa ng Dalagita

ARESTADO ANG isang lalaki matapos manggahasa ng 14-anyos na dalagita sa bayan ng Bani, lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Robinson Nertio, residente ng Brgy. Kulayo sa nasabing lugar.

Base sa impormasyon, nangunguha ang biktima na itinago sa pangalang Nene ng kamatsile sa kanilang likod-bahay nang lapitan ito ng suspek at binigyan ng P20.

Matapos kunin ng biktima ang pera ay agad itong hinila ng salarin, dinala sa may damuhan at doon pinagsamantalahan.

Agad nagsagawa ng pagsisiyasat at operasyon ang Bani PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ni Nertio.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.