Kelot, Tiklo sa Pagpasok ng Damo sa Loob

HINDI NAKALUSOT ang isang binata sa pagpasok ng iligal na droga sa loob ng kulungan matapos makuha rito ang pinaniniwalaang marijuana sa Lucena City.

Kinilala ang salarin na si Ginno Stalin Abetria, 18-anyos, at residente ng San Antonio Subdivision, Brgy. Ibabang Dupay sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nabatid na bi-lang bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) ay kinapkapan ng dalawang naka-duty na gwardya ng kulungan na sina SJO2 Felimon Claveria at JO3 Norman Capistrano ang salarin at dito na nakuha sa unahang bulsa nito ang isang ginusot na papel na may lamang tuyong mga dahon na pinaniniwalaang marijuana.

Ang nakumpiskang pinaniniwalaang Marijuana at ang inarestong suspek ay dinala sa Quezon Police Provincial Crime Laboratory para sa kaukulang laboratory at urine test examination.

Samantala, nasa kustodiya na ng Lucena PNP ang nasabing binata, matapos isailalim sa medikal na eksaminasyon.

Sa ngayon, kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 Possession of Dangerous Drugs ang kasong kahaharapin ng suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.