Kelot, Tigok sa Tawag ng Kalikasan

TAWAG NG kalikasan ang ugat ng maagang kamatayan ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang itulak ito sa tulay ng isa sa apat na hindi nakikilalang kalalakihan habang ang una ay nanunubig sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang hindi nakikilalang biktima ay tinatayang nasa 50-60 anyos, may taas na 5’5”, may katamtaman na katawan, dark complexion at hindi batid ang tirahan.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-2 ng madaling-araw nang matagpuan ang lunod na bangkay ng biktima sa Tullahan Bridge, sakop ng barangay 162 ng nasabing lungsod.

Ayon sa ilang residente ng nasabing lugar, napansin umano nila ang pasuray-suray na paglalakad ng biktima sa nasabing tulay ng bigla umanong sumpungin ang biktima ng panunubig.

Habang umiihi ang hindi nakikilalang biktima sa nabanggit na tulay ay nilapitan ito ng apat na hindi nakikilalang kalalakihan at isa sa mga ito ang biglang itinulak ang biktima dahilan upang ito ay mahulog sa tulay na nagresulta sa pagkalunod ng biktima.

Sa kasalukuyan, pinaghahanap ng mga elemento ng Caloocan City Police ang apat na hindi nakikilalang suspek para masampahan ng kaukulang kaso sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.