Kelot, Tigok sa 2 Kainuman

TIGOK ANG kelot matapos itong barilin ng isa isa sa dalawang kalugar makaraan ang pagtatalo habang ang mga ito ay nag-iinuman sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Novaliches District Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanan tainga ang biktimang si Julius Laspona, 31, ng Phase 3, Villa Crystal, Brgy., 171, Bagumbong Dulo ng nasabing lungsod.

Arestado naman ng mga pulis si Robert Lachica Jr., 21, habang pinaghahanap pa si Ricardo Rivera, alyas Tikboy, 29 at kapwa mga kalugar ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SP02 Joselito Delos Reyes, may hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng madaling-araw, nag-iinuman ang biktima at ang mga suspek sa nasabing lugar nang magkakulitan ang mga ito.

Nauwi sa pagtatalo ang kanilang kulitan hanggang sa kunin ni Lachica ang clutch bag at inabot kay Rivera bago kinuha nito sa loob ang baril saka pinutukan si Laspona.

Matapos ang insidente, mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay.

Sa isinagawang follow-up operation nadakip si Lachica Jr., habang si Rivera ay nakatakas.

(MARY H. SAPICO)       

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.