Kelot, Swak sa Bato

SWAK SA kulungan ang tulak matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Ivan Kristopher Selles, 20, ng Tanauan, Batangas.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtutulak ng Shabu ang suspek sa nasabing lungsod.

Alas-3 ng hapon, nagsagawa nang buy-bust operation ang mga pulis sa 5th Avenue ng lungsod at nang iabot ni Selles ang isang sachet ng Shabu kapalit ng P500 sa pulis na nagpanggap na bibili ay agad na dinamba ang suspek.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.