Kelot, sugatan sa boga ng bestfriend

SUGATAN ANG isang 37-anyos na lalaki makaraang aksidenteng mabaril ito ng kanyang kaibigang 15-anyos na binatilyo sa Brgy. Ermita, Cebu City.

Sinasabihan ng biktima na humiling na itago ang kanyang pangalan ang binatilyong si “Egay” na tigilan na ang pagdadala ng .22 revolver. Ngunit nahulog ang baril na hawak ng suspek at aksidenteng tinamaan ang biktima sa kaliwang pisngi nito. Kaagad isinugod sa ospital ang biktima at idineklara namang ligtas na sa kapahamakan.

Inamin ng ina ng suspek na si Lydia na nakuha ng kanyang anak ang naturang baril sa isang gang. Inutusan daw nito na kumalas na ang anak sa nasabing gang ngunit tinutukan lang siya nito ng baril.

Sa record ng pulisya, sikat na kawatan ang binatilyong salarin sa kanilang barangay.

Patuloy na iniimbestiga-han ng Cebu City Police Station ang nasabing pangyayari.    (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.