Kelot, sugatan sa away sa lamayan

ISANG LALAKI ANG nasugatan matapos itong paluin ng plastic na upuan at saksakin ng dalawang kalalakihan nang bigla na lamang magkaroon ng gulo sa pinaglalamayang patay sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Si Marvin Ilaw, 27, welder, ng Block 9, Lot 35, GMA Ville, Cavite ay kasalukuyang ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tinamong sugat sa ulo at saksak sa dibdib.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Tonyo at Linar na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Patrick Alvarado, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa lamayan ng patay sa kahabaan ng Guyabano St., Brgy. Potrero, Malabon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, sumama ang biktima sa live-in partner nito na makipaglamay sa tiyahin ng huli ngunit bigla na lamang nagkaroon ng kaguluhan sa hindi malamang dahilan.

Bigla na lamang umanong pinalo ng plastic na upuan ng suspek na si Linar ang biktima habang si Tonyo naman binunot ang dalang patalim at tinarakan ng malalim na saksak sa dibdib si Ilaw.

Matapos ito, mabilis na nagsitakas ang mga suspek na magkahiwalay na direksiyon habang isinugod naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan kung saan ay pa-tuloy itong inoobserbahan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.