Kelot, Sinilaban Ang Sarili Sa Loob ng Simbahan

KRITIKAL ANG kalagayan ng hindi pa nakikilalang lalaki matapos nitong silaban ang sarili sa loob ng makasaysayang Magellan’s Cross Basilica del Minore Sto. Nino, Cebu City kahapon ng umaga.

Ayon sa guwardiya ng Cebu City Hall na si Bryan Pileselda, naglilibot siya sa naturang lugar nang diumano’y bigla na lang nagliyab ang katawan ng nasabing lalaki.

Dali itong kumuha ng fire extinguisher upang maapula ang nasusunog na lalaki na nakasuot ng white long sleeve, maong na pantalon at itim na sapatos.

Tumawag din ang nasabing guwardiya sa Emergency Rescue Unit Foundation Central Visayas (ERUF-7) upang humingi ng saklolo.

Ang biktima ay tinatayang may edad 30 hanggang 40 anyos, maitim at may taas na 5’4”. Hindi malaman ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa grabeng pinsala sa mukha, ulo at dibdib nito.

Samantala, nananawagan ang mga rescuers sa mga kaanak ng biktima na pumunta sa Cebu City Medical Center (CCMC) upang ito ay kilalanin.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.