Kelot, Sinaksak sa Saklaan

HINDI INAKALA NG isang kelot na huling paglalaro na pala nito ng sakla matapos pagsasaksakin ng kalugar na hindi nabalatuhan ng una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa likod si Narciso Feliciano Jr., 31 ng Kabulusan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Herbert Layug, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi, tumama sa sakla ang biktima sa Libis Orkana ng lungsod kung saan umaamot ng balato ang suspek.

Hindi binigyan ng biktima ang suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa umalis si Layug.

Nagpatuloy sa pagtaya ang biktima subalit bumalik si Layug at walang salitang pinagsasaksak si Feliciano.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa PDMMMC ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.