Kelot, sinaksak ng tinuksong tomboy

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kalugar makaraang tuksuhin umano ng una ang huli na tomboy kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot sa Presidente Diosdado Macapagal Memorial Center (PDMMMC) sanhi ng tinamong tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Anthony Macabagdal, nasa hustong gulang, at residente ng PNR Compound, 10th Avenue, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Maricar Camungot, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, tinukso umano ng biktima ang suspek na ‘tomboy. Dahil dito sinundan ito ng huli sa kanilang bahay at kinumpronta na nauwi sa mainitang pagta-talo hanggang sa saksakin ito ni Camungot sa dibdib.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sa di-malamang direksyon habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng kanyang mga kaanak upang lapatan ng lunas ang tinamong su-gat.           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.