Kelot sinaksak ng kasama ng kinursunadang bebot

KRITIKAL ANG ISANG kelot matapos saksakin ng lalaking kasama ng kinursunadang bebot ng una sa loob ng isang eatery sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Ramonito Agripana, 26, ng Servando st., Mapulang Lupa ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Merbert Feliciano, 26 ng Natividad St., Mapulang Lupa ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, kainuman ng suspek ang isang bebot na hindi na nakuha ang pa-

ngalan sa Jetrho Eatery sa Servando St., Mapulang Lupa nang magpunta sa banyo si Feliciano upang umihi.

Nang bumalik si Feliciano ay inabutan nito si Aripana na katabi at kausap na ang bebot na naging dahilan upang sitahin ng suspek ang biktima.

Dahil dito, lumabas ng eatery ang biktima subalit sinundan ito ng suspek hanggang sa magsuntukan subalit nakabunot ng patalim si Feliciano at pinagsasaksak si Agripina.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa VGH habang nadakip naman ng mga barangay tanod si Feliciano.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.