Kelot, Sinabayan Bago Tinira

TODAS ANG isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kahapon ng tanghali.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Eleozar Manansala, 27 ng Apostol St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tang-hali, naglalakad ang biktima sa Masagana St., nang sabayan at pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng una sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.