Kelot, shoot sa manhole

CEBU CITY – ISANG lalaki ang na-shoot sa manhole habang nagsasara ng kanyang karinderya sa kasagsagan ng malakas na ulan at patuloy na pagbaha kamakalawa ng gabi sa Cebu City.

Nakilala ang biktima na si Gome, 38, na nahulog sa isang manhole sa barangay Sulangan.

Batay sa inisyal na ulat, tinangay umano ng malakas na agos ng baha ang lalaki sa loob ng may dalawampung talampakang drainage dakong alas-9:30 ng gabi, at magmula sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natatagpuan.

Bago ang insidente, may kinukuha umano na kapirasong kahoy ang biktima na lumulutang sa mismong takip ng concrete manhole.

Nakatuntong ang lalaki sa takip ng manhole nang biglang bumigay at bumaligtad ito dahilan upang mahulog ang biktima sa loob mismo nito.

Ayon sa pulisya, hindi pa rin nakikita ang biktima.

(Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.