Kelot, Sabog ang Bungo; 1 pa Sugatan sa Riding-In-Tandem

SUMABOG ANG bungo ng isang 46 anyos na lalake nang barilin ito sa ulo ng isa sa dalawang suspek na riding-in-tandem habang ang biktima ay naglalakad sa Caloocan City, habang sugatan naman ang isang dalaga ng tamaan ng ligaw na bala, kamakalawa ng hapon.

Dead-on the spot si Rafael Santillan, 46, may-asawa at residente ng # 216 Service Road Extention, East Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot naman sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa balikat si Leslie Alalid, 18 ng Masigasig Alley, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Alejandro Billedo, may hawak ng kaso, dakong ala 1:30 ng hapon nang maganap ang nasabing pamamaril sa kahabaan ng Malolos Avenue.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar ng biglang dumating ang dalawang hindi nakikilalang suspek na parehong nakasakay sa isang motorsiklo at isa mga ito ay armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Sa hindi pa nabatid na kadahilan ay walang sabi sabing binaril sa ulo ang biktima ng naka-back ride na suspek na nagresulta sa maagang kamatayan ni Santillan.

Tinamaan naman si Alalid na nagbabantay ng kanilang tindahan na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon, dala- dala ang ginamit na baril sa krimen.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang pulisya ng pagha-hanap laban sa mga suspek at patuloy na inaalam ang motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.        (ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.