Kelot, sa Bangketa Namatay

INAALAM NA ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng isang lalaki na nakitang patay na sa bangketa sa Caloocan City kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Joselito Clemente, 33 ng PNR Cmpd., ng lungsod.

Sa ulat, ala-1 ng hapon nang makitang patay na ang biktima sa bangketa sa Florencia St., 12th Avenue ng lungsod.

Nabatid na bago makitang patay ang biktima ay narinig pa ito na panay ang ubo kung saan inaalam na kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Clemente dahil wala namang nakita ang mga pulis na palatandaan pinatay ang nasawi.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.