Kelot, Pugot ang Ulo sa Tren

 

MALAGIM NA kamatayan ang sinapit ng isang 37-anyos na lasenggerong lalaki matapos itong mapugutan ng ulo nang masagasaan ng isang humahagibis na tren sa Brgy. Poblacion, Lupi, Camarines Sur kamakailan.

Dead on the spot sa insidente ang biktimang si Bolter Estrella, may asawa, residente ng Zone 7 ng naturang lugar matapos na makaladkad ng tren dahilan upang humiwalay ang kanyang ulo at magkalasug-lasog ang katawan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-4:50 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa lugar, at ayon sa teorya ng mga awtoridad ay posibleng nakatulog sa tabi ng riles ang biktima na humantong sa malagim nitong kamatayan.

Samantala, nabatid na ang tren ng Bicol Express ay galing pa sa Maynila na patungong Bicol Region, at patuloy namang iniimbestigahan ang nangyaring insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.