KELOT PISAK SA DUMPTRUCK

RIZAL – NAPISAK ANG isang lalakI matapos na masagasaan ng isang mini dumptruck habang sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa bayan ng Taytay.

Kinilala ni Taytay police chief P/C. Insp. Arthur Masungsong ang biktima na si John Paul Luluquisin, 36-anyos, may-asawa residente ng Dorman Apartment, Cabrera Rd. ng nasabing bayan.

Arestado naman ang driver ng dumptruck na si Ricky Dante, 20-anyos, binata, residente naman ng Blk-33, Lot-1, Genesis Floodway, Brgy. San Juan ng nasabi ring bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa tapat ng Delta Concrete Corp. na matatagpuan sa Velasquez St., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nabatid na sakay ang biktima ng isang Yamaha MIO (7026) habang minamaneho naman ng suspek ang isang Fuso mini-dumptruck (XFC-994) at magkasalungat na tinatahak ang nasabing lansangan.

Ayon kay Dante, biglang nawalan ng giya ang minamanehong truck kung kaya’t nasakop niya ang kabilang lane at suruin ang sasakyan ng biktima.

Nakaladkad pa ng ilang metro hanggang sa shoulder lane ang biktima na siyang agarang ikinamatay.

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property ang kakaharapin ng suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.