Kelot, Pinugutan ng Mag-Utol

KARUMAL-DUMAL NA kamatayan ang sinapit ng 43-anyos na lalaki na matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng magkapatid na kaaway nito sa inuman sa Brgy. Capyoan, Argao, Cebu noong Biyernes ng hapon.

Base sa report ng Cebu PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Carlito Nazara na natagpuan ang ulo may sampung metro ang layo mula sa katawan nito.

Nasa kritikal namang kalagayan ang ka-live-in nitong si Sylvia Camajalan, 43, na tinaga sa leeg at likurang bahagi ng katawan matapos na tangkaing pigilan ang mga suspek.

Pinasok ng magkapatid na sina Antonio Solis Jr, 48; at Emilio Solis, 42, ang bahay ng biktima matapos itong mag-inuman.

Armado ng matalim na karit at bagong hasang itak ay pinagtulungan ng magkapatid na pagtatagain ang biktima na tinangkang pigilan naman ni Camajalan kaya tinaga rin ito.

Bagama’t nakatalon sa bintana ang biktima ay hinabol pa ito ng mga salarin, kung saan nasukol sa bisinidad ng bahay ng barangay chairman at muli itong pinagtataga at pinugutan pa ng ulo.

Sumuko naman sa konsehal ng barangay ang magkapatid bago dinala sa mga kinauukulan kung saan inaming inunahan lamang nila ang biktima matapos silang pagbantaan dahil sa matagal nang alitan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.