Kelot, Pinatay sa Bugbog

PINAGHAHANAP PA ng mga kinauukulan sa Quezon province ang tatlong kataong salarin sa pagpatay sa isang nakaaway sa pamamagitan ng pambubugbog.

Base sa report ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), nakilala ang biktimang si Joanne Secretario, 23, ng Barangay Piis sa bayan ng Lucban.

Pinagtulungan umano itong bugbugin ng magkaibi-gang sina Jay-Ar Cuevas alyas “Asero”, Michael Ledesma at Rene Boy Matilang, sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Napag-initan umano ang biktima ng tatlo na dati nang may alitan.

Samantala, agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.