Kelot, pinagtripan sa videoke bar

NASAWI ANG ISANG kelot matapos pagtripan at pagtulungang pagsasaksakin ng limang hindi pa nakikilalang mga lasing sa loob ng isang videoke bar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si John Adrian Adriano, 22 ng Sampaguita st., Almar ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11 ng gabi, kainuman ng biktima ang kaibigan na si Miguel sa loob ng isang videoke bar sa Almar Rd., ng lungsod nang kursunadahin ng mga suspek na lasing na.

Pinagtulungang pagsasaksakin ang biktima habang nakatakbo papalabas si Miguel upang humingi ng tulong.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa nasabing ospital si Adriano kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga una.            (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.