Kelot, Pinagtataga na, Sinunog pa ang Ari

BRUTAL NA kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos itong pagtatagain ay sinunog pa ang ari nito bago itinapon ang bangkay sa dagat sa Barangay San Roque, bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay kamakailan.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Catalino Samson ng Barangay Dalama ng naturang bayan.

Lumalabas sa report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na lumulutang sa karagatan ng Sitio Lumarao sa nasabing barangay.

Ang biktima ay nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan halos maputol ang mga kamay at paa nito.

Samantala, sinunog din ang likurang bahagi ng katawan ng kelot at ari nito na labis na ikinagulantang ng mga residente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.