Kelot, Pinagbibintangang Nakapatay, Tinodas

TODAS ANG kelot matapos barilin ng isa sa tatlong suspek na nagbibintang sa una na pumatay sa kaibigan ng mga huli sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Noah Torio, 28 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Jervy Reyes at magkapatid na sina Bong at Anthony Francisco pawang ng Aracity, Tinajeros ng lungsod.

Sa ulat, alas-5 ng hapon, kasama ng biktima ang ka-live-in na si Mavil Tresvalles upang maghanap ng gagawa ng pustiso sa Aracity St. nang harangin ng mga suspek.

Kinumpronta ng mga suspek ang biktima na pinagbibintangan bumaril at nakapatay sa kaibigan ng mga una na si Edwin Ramirez noong Hulyo 22 sa Melon St., Potrero ng lungsod.

Nakaramdam ng pa-nganib si Tresvalles at pinatakbo ang biktima na nagawang makapasok sa isa sa mga bahay upang magtago subalit nasundan ng mga suspek at isa ang bumaril sa ulo ni Torio bago nagsitakas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.