Kelot, Pinabulagta sa Huling Hapunan

PATAY ANG 22-anyos na lalaki makaraang paulanan ng bala ng hindi nakikilalang sauspek sa Quezon City kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Nathaniel Romero ng Pilot Drive, Brgy. Commonwealth sa nasabing lungsod.

Nabatid na mabilis namang nagsitakas ang tatlong hindi pa nakikilalang salarin matapos ang isinagawang krimen.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang insidente sa harap ng Hilda Eatery na matatagpuan sa creekside, Pilot Drive, Brgy. Commonwealth, habang ang biktima ay kumakain, ganap na alas-11 ng gabi.

Ayon sa salaysay ng saksing si Marikita Cavallero, nakita pa niya ang tatlong suspek na palakad-lakad malapit sa tindahan at kinukunan pa ng litrato ang biktima.

Ilang sandali pa, isa sa mga gun men ang lumapit sa biktima at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaslang ay agad na umalis ang mga salarin patungo sa MRB subdivision kung saan sila huling nakitang lumabas.

Samantala, ayon naman ng kapatid ng biktima na si Leeway, 26, ang kanyang kapatid ay nahuli na umano sa kasong robbery at napiit ng ilang buwan sa Batasan Hills Police Station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.