Kelot, Patay sa Tusok ng Bayaw

ISANG LALAKI ang maagang kinuha ni kamatayan makaraang saksakin ito ng kanyang bayaw habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalo sa loob ng kani-lang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng isang malalim na tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Quie Camus Te, 29, ng 37 East Riverside, ng nabanggit na lungsod.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nakilalang si Edwin Tinoy, 43, may-asawa, walang hanap-buhay at kasama sa bahay ng namatay na biktima.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Dela Paz, bandang alas-11 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng magbayaw sa nasabing lugar.

Nabatid na bago umano maganap ang nasabing insidente ay lasing na duma-ting ang suspek sa kanilang bahay, kung saan ay agad na nilapitan ito ng kanyang anak at isinumbong ang biktima na kinutusan umano siya nito sa ulo.

Dahil dito, agad umanong kinumpronta ng suspek ang kanyang bayaw na humantong sa isang mainitang pagtatalo. At habang nasa kainitan ng pagsasagutan, mabilis na kumuha ng kutsilyo ang suspek at tinarakan sa dibdib ang kanyang bayaw na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek, subalit nang maglaho ng espiritu ng alak sa utak ng salarin ay nakonsensiya ito at dagliang nagsadya sa himpilan ng pulisya at isinuko ang kanyang sarili.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.