Kelot, Patay sa Salpukan ng Cement Mixer at Kotse

PATAY ANG isang lalaki sa salpukan ng kotse at cement mixer sa J. P. Rizal St., Barangay Cembo, Makati City.

Tinangka pang mailigtas si Alberto Sese na naipit sa kanyang Honda Civic (WRX 481) matapos ang banggaan. Ngunit idineklara ring patay ng Makati rescue.

Lumalabas sa ulat ng Makati Policr, posibleng inaantok si Sese dahil kinain nito ang linya ng kasalubong na cement mixer.

Sa lakas ng salpukan, yuping-yupi ang sasakyan ng biktima dahilan upang mahirapan ding hatakin si Sese.

Samantala, kinilala naman ang drayber ng mixer na si Renato Pepe na kasalukuyang hawak na ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.