Kelot, Patay sa Saksak ng Utol

PATAY ANG isang lalaki matapos saksakin ng nakababatang kapatid sa Barangay Santo Kristo, Aurora, kamakailan.

Kinilala ang naturang biktima na si Edgardo Suyap, 35-anyos na sinaksak ng kapatid na si Rommel, 27.

Lumalabas sa report ni SPO1 Angelo Gauat na masaya pang magkaharap sa inuman ang magkapatid nang magkaroon ng mainitang pagtatalo at nauwi sa pananaksak ni Rommel sa kanyang kuya.

Samantala, mabilis na tumakas ang salarin at iniwan ang kanyang kapatid na wala nang buhay dahil sa tinamong dalawang saksak sa tiyan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.